Hahayaan na lamang ng Malakaniyang ang mga kritiko at grupo na patuloy na kumukontra sa idineklarang martial law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Sa kabila ito ng desisyon ng Korte Suprema na kumakatig sa legalidad ng nasabing deklarasyon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar dahil sa Freedom of Expression na ginagarantyahan ng konstitusyon ay malaya ang sinuman na sabnihin ang nais nilang sabihin hinggil sa batas militar.
Subalit ang desisyon aniya ng high tribunal ay patunay nang pag asang ayon ng lehislatura at hudikatura sa idineklarang martial law sa Mindanao ng Pangulong Duterte.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Mga kritiko ng martial law hahayaan na lang umano ng Malacañang was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882