Malayang makakapagprotesta ang mga kritiko ng admnistrasyon sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.
Sa talumpati ng Pangulo sa pagbubukas ng National Science and Technology week sa Davao City, hahayaan ng pamahalaan na magsama sama at mag-rally ang mga taga opisisyon kabilang ang mga taong simbahan para ihayag ang kanilang hinaing at sama ng loob sa gobyerno
Kasabay nito, inatasan naman ng Pangulo ang pulis at militar na mahigpit na ipatupad ang maximum tolerance sa araw ng sona.
Ipinag-utos ng Pangulo sa mga otoridad na magbabantay sa labas ng Batasang Pambansa na huwag nang magdala ng baril at gumamit lamang ng batuta at panangga sa pagharap sa mga raleyista.