Walang plano ang Malacañang na patulan ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng panibagong resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan “very good” pa rin ang net satisfaction rating ng Pangulo sa huling quarter ng taon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na iginagalang ng palasyo ang kalayaang maghayag ng mga kritiko dahil batid nilang hindi lahat ay nasisiyahan sa mga ginagawa ng Presidente.
Pero, nagpapasalamat aniya sila dahil 80% ng mga Pilipino ay naniniwala at sumusuporta sa mga ginagawa ng Presidente.
Umaasa si Andanar na bibigyan ng pagkakataon ng mga kritiko si Pangulong Duterte na patunayan ang kakayahang mamuno at magpatakbo sa bansa sa loob ng 5 at kalahating taong natitira sa termino nito.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping