Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang alam, nagmamaang-maangan o sadyang ignorante ang kaniyang mga kritiko
Sa harap na rin ito ng kaliwa’t kanang batikos na kaniyang tinatanggap hinggil sa kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga
Ayon sa Pangulo, sadyang mahina ang kokote ng mga kritiko mula sa international community dahil sa mga pulis pa rin itinuturo ang mga mala-vigilanteng paraan ng mga pagpatay
Buwelta ito ng Pangulo sa puna ng ilang International Human Rights group na isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga lulong sa droga sa halip na patayin ang mga ito
Wala rin aniyang nakalaang pondo para sa rehabilitasyon ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot ang nagdaang Administrasyong Aquino
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping