Hinamon ni PhilHealth President, retired General Ricardo Morales ang mga kritiko ng PhilHealth na dalhin sa Korte ang mga binibintang nilang katiwalian sa ahensya.
Tinukoy ni Morales si Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing may mga ebidensya ng katiwalian sa PhilHealth.
Aminado si Morales na may katiwalian sa PhilHealth dahil anya sa hindi episyenteng information system pero hindi ang mga isyu na ibinabato sa kanila sa kasalukuyan.
Hindi naman accurate sabihin na walang corruption ngunit yung mga corruption na meron tayong ebidensya pupunta tayo sa court at hahanapan natin ng solusyon yan, sa ngayon ang aming legal sector; ang hina-handle mga 10,000. Alam mo ba sa isang araw 50,000 transactions ang hina-handle ng PhilHealth, 109.5 million members, nagbabayad kami ng 2 to 3 billion a week walang ibang korporasyon na ganitong kalaki tapos ang hirap niyan ayaw mag-invest sa information system,” ani Morales.
Binigyang diin ni Morales na wala syang planong mag-leave o magbitiw sa puwesto at haharapin nya ang lahat ng imbestigasyon laban sa ahensya.
I’m sorry to disappoint him but I will not resign, I will answer all these allegations, I am responsible for everything that happens in PhilHealth, ayang nga sinasabi ni Atty. Roque yan na may sindikato daw edi sino ba yung mga yun, saan yung ebidensya niya tapos i-file niya sa korte meron pala siyang ebidensya so, I challenge anyone who says there is a sindicate inside PhilHealth to identify these people and go to court with the evidence,” ani Morales. — panayam mula sa Ratsada Balita.