Tinawag na ‘ingrato’ o walang utang na loob ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga kritiko ng giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, nakikinabang din naman sa katahimikan at kaayusan na resulta ng kampanya kontra droga ang mga nasabing kritiko.
Gayunman, iginiit ni Dela Rosa na tanggap nila ang mga pagbatikos dahil nagkakamali rin naman aniya sila.
Wala ring tinukoy na partikular na grupo o tao si Dela Rosa sa kanyang naging pahayag.
Prangka lang ako na tao. You can criticize us to high heaven, but I can tell you straight, sainyong mga mata, ‘yung mga critic, sabihan ko kayo, ‘inggrato’ kayo.
Hah? Inggrato ka. Nakikinabang ka sa peace and order. Mga anak mo pumapasok sa eskwelahan na walang kaba, walang takot dahil bihira na ‘yung krimen sa kalsada dahil sa ‘war on drugs’.
Samantala, sinang-ayunan naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang survey na nagsasabing tanging mga mahihirap na Pilipino ang napapatay sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan.
Ayon kay Dela Rosa, totoo ang sinasabi sa survey dahil mas marami naman talagang mahirap ang drug pusher kumpara sa mga mayaman.
Una rito ay lumabas sa survey ng SWS o Social Weather Station na tatlo sa limang Pilipino ang naniniwala na mahihirap lang ang pinapatay sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Gayunman, nilinaw ni Dela Rosa na hindi lamang naman mahihirap ang tina-target ng kanilang giyera kontra iligal na droga.
Mahirap ba si Parojinog? Mahirap ba si Mayor ng Albuera, Leyte? Hindi naman?
Criticize agad ng criticize. Hindi naman natin ina-analize ‘yung data.