Makabubuting ipadala na lamang sa Marawi City ang lahat ng mga kritiko ng idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ito’y ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto kasunod ng isinagawang oral arguments ng Korte Suprema kung saan, iginigiit ng mga petitioner na walang sapat na batayan ang pagpapatupad ng martial law.
Ayon kay Sotto, tila sinabi na rin ng mga kontra martial law na hindi katumbas ng kamatayan ang suicide at malinaw na tinututulungan ng mga kritiko ang Maute Group sa pagpaplano nitong kubkubin ang lungsod.
Sa panig naman ni Senador JV Ejercito, hindi siya kumbinsido sa argumento ng mga kritiko dahil malinaw na maihahalintulad sa rebelyon ang terorismo kaya’t kinakailangang ipatupad ang batas militar.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno