Inihayag ng lokal na pamahalaan sa Panglao Island, Bohol na tinanggal na nito ang mga kubo, stall at iba pang istruktura sa ibabaw ng bahura o sandbar sa lugar.
Ito ay kasunod ng reklamo ng isang turista na bumisita sa isla kung saan umabot sa 26,000 pesos ang ibinayad nila para sa pagkain ng 13 katao.
Permanente na ring ipinagbawal ang ilang tourism activities sa isla tulad ng pagbebenta ng pagkain, snorkeling at diving, pero maaari pa ring mag-sightseeing at picture taking.
Magsasagawa naman ng pagpupulong ang nasabing LGU para talakayin ang mga dapat pang gawin upang mapabuti ang turismo sa naturang lugar.