Mas magiging masikip umano ang mga kulungan ngayon dahil sa mga nahuhuling lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa ngayong dumarami pa ang bilang ng mga quarantine violators sa gitna ng umiiral na ECQ dahil sa COVID-19.
Aminado si Gamboa na isang pagsubok ito para sa kanilal lalo na at may banta na rin ng sakit sa mga piitan.
Dahil dito, hinimok ni Gamboa ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga ordinansa o kaparusahan na maaaring ipataw sa mga lalabag sa ECQ maliban sa pagkulong sa mga ito.
Dapat aniya ay maging mabilis lamang ang pagpapataw ng parusa sa mga ito sa paraang maiintindihan din nila ang kanilang ginawang paglabag.