Overpopulated na ang mga kulungan sa bansa dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso na may kaugnayan sa iligal na droga at mabagal na aksyon ng mga korte.
Batay ito sa naging annual audit report ng Commission on Audit sa Bureau of Jail Management and Penology.
Mula sa ideal capacity ng mga kulungan na 25, 268 inmates ay lumobo ito sa 136, 314 noong Disyembre 31, 2018.
Ayon sa COA, malinaw na paglabag ito sa BJMP manual on habitat, water, sanitation, kitchen in jail at sa United Nations minimum standard rules para sa pagtrato sa mga preso.
Dahil sa sitwasyong ito, nagbabala ang COA na ang kondisyon ng mga kulungan ay magdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga preso at magiging dahilan para umanib ang mga ito sa mga gang para mabigyan ng proteksiyon at benepisyong materyal.