Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP na sapat ang suplay ng tubig sa mga kulungan sa Metro Manila.
Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, pinaghandaan na nila ang ganitong panahon dahil kadalasan na aniyang nagkakaroon ng krisis sa tubig tuwing tag-init.
Maaga umanong nakipag-ugnayan ang ahensya sa kanilang water suppliers upang matiyak na hindi magkakaroon ng kakapusan sa tubig sa piitan.
Karaniwan nang napapaulat ang pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit sa balat ng mga bilanggo tuwing tag-init dahil sa siksikan ang mga ito sa kulungan.