Tanging sina President Elect Rodrigo Duterte, Vice President Jejomar Binay, at Senadora Miriam Defensor Santiago sa Limang Presidential candidate ang nakapagsumite ng kanilang SOCE o Statement of Contributions and Expenditures.
Mga kinatawan lamang ng mga nasabing Presidential candidate ang nagsumite ng kanilang SOCE.
Kapansin-pansin ang kinatawan ni duterte dahil sa dala nitong malaking bag na may lamang mga dokumento ni Duterte noong ito’y tumakbo.
Base sa SOCE ni Duterte, 3 hundred 71 Million Pesos ang kaniyang nagastos sa pagtakbo at 3 Hundred 75 Million Pesos naman ang natanggap na kontribusyon.
Kaugnay ditto, nakapagsumite ng kanilang SOCE o Statement of Contributions and Expenditures ang mga Vice Presidential Candidate na sina Senador Bong Bong Marcos, Senador Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV, at Vice President elect Leni Robredo.
Samantala, sa limampung tumakbo sa pagka-Senador, humabol sa deadline ng submission ng SOCE sina Toots Ople na gumastos umano ng higit sa Apat na Milyong Piso sa kanyang pangangampanya at si Samuel Pagdilao na gumastos umano ng higit sa Walong Milyong Piso na mula rin, aniya, sa kaniyang sariling bulsa.
Dumating din ang staff nina Senators elect Joel Villanueva at Migz Zubiri para maghain ng kanilang SOCE.
Sa kabilang banda, wala sa kalahati ng mga Party List group na tumakbo noong May 9 ang nakapagpasa ng kanilang mga SOCE.
Mahigpit na ipinatupad ng COMELEC ang No Extension Policy kahapon at posible anitong magmulta ang hindi nakapagpasa ng SOCE sa oras.
Hindi rin, anito, makauupo sa pwesto ang mga nanalong kandidato na hindi nakapagsumite ng SOCE.
By: Avee Devierte