Dapat umanong buwisan ng 1% hanggang 3% ang mga mayayaman o negosyanteng kumukita ng bilyong pisong halaga ng pera sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng IBON Foundation upang muling makabangon ang bansa sa gitna ng pandemiya.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni IBON Foundation, Executive Director Sonny Africa, base sa kanilang inihaing batas, ang mga mayayamang kumikita ng P1-B ay dapat buwisan ng isang porsyento sa kanilang kita; dalawang porsyento naman ng buwis sa mga kumikita ng P2-B; at tatlong porsyento naman sa mga kumikita ng P3-B.
Sinabi ni Africa na sa ngayon, ay hinihintay pa nila ang desisyon kung aaprubahan ang itinutulak na batas ng susunod na kongreso.