Muli na namang magpapatupad ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis sa darating na Martes
Tinatayang maglalaro mula 70 hanggang 80 sentimos ang naka-ambang tapyas presyo sa kada litro ng diesel
Pitumpu hanggang 90 sentimos naman ang inaasahang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene
Habang 10 hanggang 15 sentimos naman ang aasahang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina
Ito na ang ikalimang sunod na rollback na ipinatupad ng mga kumpaniya ng langis mula nuong Hulyo a-primero
Sa kasalukuyan, papalo na sa dalawampiso at walumpung sentimos ang inirollback sa kada litro ng gasolina habang dalawang piso at dalawampung sentimos naman ang inirollback sa presyo ng kada litro ng diesel
By: Jaymark Dagala