Muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis maliban sa gasolina.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ilarga ng Flying V ang P0.45 sentimos na price increase sa kada litro ng diesel at P0.75 sentimos sa kerosene.
Nagpatupad naman ang Petron, Seaoil, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, PTT Philippines at Shell ng kahalintulad na dagdag presyo, ngayong alas-6:00 ng umaga.
Samantala, inaasahang tataas din ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa Oktubre makaraang magpatupad ng price increase sa imported LPG.
Ipinaliwanag ng Department of Energy o DOE na karaniwan ng tumataas ang presyo ng LPG kapag nalalapit ang ‘ber’ months dahil tumataas ang konsumo nito sa mga bansang nakararanas ng winter.
—-