Muling nagpatupad ng price increase ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto dahil sa dagdag na excise tax sa krudo.
Epektibo alas 12:00 kaninang hatinggabi nang ilarga ng Flying V dagdag 45 sentimos sa kada litro ng gasolina; 50 sentimos sa Diesel gayundin sa kerosene.
Ipatutupad naman ng Jetti, Total, Unioil, Petron, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, PTT, Seaoil at Shell ang kahalintulad na price increase, mamayang ala 6:00 ng umaga.
Ito na ang ika-limang sunod na linggo na nagpataw ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.