Hinikayat ng isang kongresista ang Department of Energy (DOE) na i-obliga ang mga kumpanya ng langis na mas damihan pa ang kanilang mga fuel reserve inventories.
Ito ay matapos ang patuloy na tumataas na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran partikular na sa usapan hinggil sa langis.
Ayon kay Deputy Speaker Michael Romero, mas makabubuti kung itataas ng mga lokal na kumpanya ng langis ang kanilang mga reserba ng hanggang 30 araw.
Bukod dito, inirekomenda rin ni Romero na suspendihin ang excise tax sa mga fuel reserve sa panahong kailanganin ito.
Magugunitang lumulutang sa ngayon ang pangamba ng pagkakaroon ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa mas tumataas na tensyon sa Middle East.