Posibleng magsampa ng kasong “Writ of Kalikasan” ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema laban sa mga kumpanya na nagtayo ng artificial islands sa West Philippine Sea.
Ayon kay IBP President Abdiel Elijah Fajardo, napag-alaman nila mula sa hindi tinukoy na isang non-government organizations na malaki ang posibilidad na may mga nasirang corals nang itayo ang mga platforms na susuporta sa mga isla.
Batay pa sa kanilang impormasyong nakuha mula sa nasabing NGO na nagsusulong ng maritime protection, libo-libong taon bago makarekober ang umano’y siyam na coral reefs na nasira bunsod ng paghuhukay.
Bukod pa rito sinabi ni Fajardo na posible rin na ang ginagawang pagpapatayo ng China ng artificial islands ay maituturing na “Maritime Environmental Disaster”.
RPE