Ipatotokhang ng Malakanyang ang mga kumpanyang magpapatuloy sa pagpapatupad ng “endo” at “555” o ang pagtatanggal ng mga empleyado kada limang buwan upang iwasan ang regularisasyon.
Ito ang babala ng Palasyo matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment na isumite sa loob ng tatlumpung araw ang listahan ng lahat ng mga pasaway na kompanyang na nagsasagawa ng endo at 555.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ang hakbang na ito ng pamahalaan ay tatawaging “Tokhang laban sa Cabo”
Ang “Cabo” ay tawag sa mga tao o grupong nagsusuplay ng mga trabahador na walang ganap na benepisyo.