Pinag-aaralan na ng kumpaniyang Universal Robina ang iba’t-ibang hakbang para mabawasan ang kanilang produksyon ng mga plastic products.
Ito’y makaraang mabansagan ang Pilipinas bilang ‘third worst polluter’ ng mga karagatan sunod sa China at Indonesia batay sa report ng environmental group na Greenpeace.
Kasunod nito, nangako ang Universal Robina na gagawin nila ang lahat para pangalagaan ang kalikasan at makapag-ambag sa paglilinis sa mga karatagan gayundin sa kapaligiran.
Una nang nangako ang mga kumpaniyang Nestle at Unilever na tutulong sa paglilinis ng mga karagatan tulad ng Manila Bay kung saan nakita ang tone-toneladang basura na naglalaman ng kanilang mga produktong sachet at tetra packs.
—-