Inihahanda na ng MMDA ang kasong isasampa laban sa mga bumugbog sa anim nilang enforcer na nagsasagawa ng clearing operations sa EDSA-Pasay noong linggo ng hapon.
Kinilala ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Jose Zabala, Adrian Nidua, Jericho Fabella, Mario Martin, Jimmy Valencia at Eddie Boy Garas.
Ayon kay Pasay City Police chief, Col. Cesar Paday-os, sinubukang pigilan ng MMDA ang mga lalaki na bawiin ang kinumpiskang e-trike na nauwi sa gulo.
Pinaghahanap na ng awtoridad ang mga sangkot sa nasabing insidente.