Pabor si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na maabswelto ang mga pulis na kusang loob na susuko at aaming gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay Dela Rosa, ang kailangan lang gawin ng mga self confessed drug addict na mga pulis ay magpakita sa kanilang mga unit commander at gawin ang pag-amin.
Bukod sa malilibre sa kaso, tutulungan pa ni DELA rosa ang kanilang mga kasamahan na ma-rehab kung saan ang PNP na ang bahalang maghanap ng pondo para rito.
Pero, paglilinaw ng Chief-PNP, kailangang gawin ng isang pulis ang boluntaryong pagsuko sa panahong hindi pa siya dumaraan sa mandatory drug testing.
Kapag nagmatigas aniya at naghintay pang madiskubre na nagpositibo sila sa iligal na droga, wala nang kapatawaran pang naghihintay sa kanila at sa lalong madaling panahon ay sibak sila sa serbisyo.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal