Gayunman, nilinaw ni Dittie Galang, Media Planning and Tactical Development Manager ng Manila Water na sakaling ipatupad ang interuruption ay wala itong magiging kaugnayan sa El Niño phenomenon.
“Maari pong makaranas ng service interruption pero hindi related sa El Niño kundi dahil sa pagbabawas sa allocation mula sa Angat Dam. Kung mangyayari po ang service interruption, may ilang lugar na makakaranas ng higit sa 12 oras ng pagkawala ng tubig sa loob ng 1 araw pero tinitiyak po namin na hindi ito aabot sa 24 oras. Maari po ito mangyari araw araw for a certain period of time depende sa kondisyon pero bibigyan naman namin sila ng sapat na panahon para makapag-ipon ng tubig,” paliwanag ni Galang.
Tiniyak din ni Galang sa kanilang mga customer na may sapat pa silang supply ng tubig at aabisuhan nila ang mga consumer sakaling magpatupad ng rotating interruption.
“Pinaigting ng Manila Water yung programa versus non revenue water, meaning marami na po kaming naipon na tubig mula sa pagre-repair ng leaks, pagsasara ng illegal connections, 11 percent ng production na lamang po yung nasasayang na tubig mula sa east zone, at yung mga naiipon namin na tubig ay nadi-distribute sa customers,” dagdag ni Galang.
By: Jaymark Dagala