Puputulin pansamantala ng Maynila ang suplay ng tubig sa ilang baranggay sa Quezon City, Caloocan, Malabon at Maynila, anumang araw mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2.
Batay sa abiso ng Maynilad sa kanilang Facebook account, pinapayuhang mag-imbak ng tubig sa susunod na linggo ang mga residente ng mga sumusunod na lugar.
Sa Caloocan: Barangay 64, 73, 74, 176, 65, 66, 69, 73, 74 at Baranggay 75.
Sa Quezon City, mawawalan ng tubig ang Barangay North Fairview, Batasan Hills, Bahay Toro, Talayan, Sto. Domingo, Paltok, San Antonio at Apolonio Samson.
Sa Maynila naman pinag-iimbak na ng tubig ang mga taga-Barangay 590, 610, 611, 619, 621, 315, 316, 317, 318, 319, 320, 321, 322, 323 at Barangay 325.
Hagip din ang mga lugar sa Lubiran, Magistrado Mapa, Magistrado Araullo, Cordillera, Quirada, A. Mendoza, E. Remigio, P. Guevarra, Mayhaligue at Rizal Avenue.
Habang sa Malabon, ang Baranggay Longos ang mawawalan ng tubig sa susunod na linggo.
By Jonathan Andal