Inanunsyo ng Malacañang na 29.31% ng kwalipikadong benepisyaryo sa Metro Manila ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa gobyerno.
Base sa datos na prinesenta ni Roque, ang Makati ang may pinakamalaking porsiyento na ng naipamahaging ayuda na nasa 51. 48 percent, sumunod ang Taguig City na may 50.4% at pangatlo ang Caloocan na may 45%.
Lumalabas na nasa kabuuang 3.299 bilyong piso na ang halagang naipamahagi ng iba’t ibang mga siyudad sa NCR.
Nasa 11,256,348,000 pesos ang total fund allocations sa 16 na siyudad at isang munisipalidad sa Metro Manila na apektado ng ECQ hanggang Agosto 20, 2021.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico