Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na tanging mga kwalipikadong laboratory lamang ang maaaring magsagawa ng test para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa “potential hazards” nito.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, walang ibang pinapayagang magsagawa ng virus test kundi ang mga quality assured o sertipikado lamang na mga laboratoryo ng DOH- Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon sa DOH, ang real-time polymerase chain reaction lang ang kasalukuyang rekomendadong paraan para sa pag-eksamin ng COVID-19.
Pahayag ni Duque, kailangan munang makapasa sa assessment ng DOH-RITM ang lahat ng private hospitals and laboratories at university-based laboratories bago pahintulutang magproseso ng anumang sample.
Sa ngayon, apat lamang na COVID-19 test kits ang aprubado o pinapayagan ng Food and Drug Administration (FDA).