Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestiyonableng transaksyon ng nakalipas na Administrasyon na naging dahilan upang hindi mapasakamay ng gobyerno ang dapat na kolektahin ng Bureau of Internal Revenue.
Kabilang dito ang pag-exempt sa buwis ng ilang mayamang indibidwal kaya’t nawalan ng bilyong pisong kita ang pamahalaan.
Mayroon din anyang dapat kolektahin ang gobyerno na 7 Billion Pesos mula sa isang energy plant subalit winaive ito ng Aquino Administrasyon.
Nagtataka si Pangulong Duterte kung bakit winaive ang naturang halaga na kokolektahan sana ng pamahalaan.
Iisang tao lamang aniya ang may kapangyarihang mag-waive ng ganito kalaking pondo at ang masaklap ayon sa Pangulo ay hindi isinaalang-alang ang kapakanan ng mga maliliit na Pilipino na maaaring makinabang sana sa bilyong Pisong halaga.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping