Natagpuan na ang katawan ng isang Pinay na nawawala matapos ma-trap sa isang gusali na gumuho makaraang yanigin ng 6.4 magnitude na lindol ang Taiwan noong Martes.
Batay sa impormasyon ng Manila Economic and Cultural Office natagpuaang wala ng buhay si Melody Albano Castro, 28 anyos residente ng Bulug, Cagayan.
Inaasikaso na ng mga otoridad ang pag-uwi sa Pilipinas ng labi ni Castro.
Samantala, sumampa na sa 10 katao ang nasawi habang halos 60 pa ang nawawala.
Posted by: Robert Eugenio