Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglilipat sa mga labi ni late president Elpidio Quirino mula sa South Cemetery sa Makati patungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig ngayong araw na ito, Pebrero 29.
Sa nasabing aktibidad, ginawaran ng full military honors ang dating Pangulong Quirino.
Dinaluhan ito ng mga opisyal ng gobyerno, pamilya Quirino, miyembro ng diplomatic corps, at iba pa.
Si Quirino ay pang-anim na presidente ng bansa mula 1948 hanggang 1953 at pumanaw dahil sa atake sa puso.
Siya ang pangatlong pangulo na inilagak sa Libingan ng mga Bayani.
Una, sina dating Pangulong Carlos Garcia at dating Pangulong Diosdado Macapagal.
Ngayong araw din ang ika-60 anibersaryo ng kamatayan ni Quirino.
By Meann Tanbio
Photo Credit: Quirino Foundation