Na-cremate na ang labi ni dating Senadora Leticia Ramos-Shahani.
Dakong tanghali nang dalhin si Shahani sa crematorium ng Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.
Inalayan ng 21 gun salute ang dating Senadora bilang pagkilala sa kanyang serbisyo sa bayan.
Nagbigay din ng huling pagpupugay ang pamilya, mga kaanak ni shah$ani gaya ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Fidel V. Ramos at ilang kaibigan.
Marso a-bente nang pumanaw ang dati ring diplomat sa edad na 87 matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa cancer.
By: Drew Nacino