Walang plano si Senador Grace Poe na ilipat ang labi ng amang si Fernando Poe Jr. sa Libingan ng mga Bayani.
Ito ayon kay Sen. Poe ay kahit pa National Artist ang ama.
Sinabi ng Senadora na mananatili ang kaniyang ama sa museleo ng pamilya sa Manila North Cemetery kung saan mabilis din itong mabibista ng publiko.
Ang pahayag ay kaugnay sa paggunita sa ika-12 anibersaryo ng pagkamatay nang tinaguriang hari ng pelikulang Pilipino.
By: Judith Larino