Sa kasagsagan ng pagbibibigay ng military honors sa labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, namataan pa ng DWIZ correspondent sa loob ng Marcos Museum sa parehong oras ang mismong katawan ng dating Pangulo na binibisita pa ng mga turista sa Batac, Ilocos Norte.
Ayon kay DWIZ Correspondent Ronald Domingo, ipinagtataka nila ang bagay na iyon kayat lumakas ang kanilang kutob na wax ang nasa loob ng museo.
Gayunman, ilang oras lamang ang lumipas nang balikan ni Domingo ang museo ay sinasabing wala na doon ang labi ng dating Pangulo at pinagbawalan na ring pumasok doon ang publiko.
Bahagi ng pahayag ni Ronald Domingo (DWIZ Correspondent)
“Kaya nga nagtataka tayo kanina na napag-alaman natin na wax talaga, pinilit talaga tayong pumunta sa Marcos Mansion at andun pa rin, pinipilit ko kanina yung mga kasamahan natin sa DWIZ na andito pa rin yung labi pero napag-alaman natin na wax pala.” Pahayag ni Domingo.
By Ralph Obina | Ronald Domingo