Handang kasuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga laboratoryong nagtatapon ng medical waste sa karagatan ng Catanduanes.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, hinihintay pa nila ang paliwanag ng laboratoryo hinggil sa isyu bago magsampa ng kaso.
Binigyan naman ng palugit hanggang Pebrero a–9 ang nasabing medical facility upang makapagsumite ng position paper hinggil sa insidente.
Magugunitang walo sa 23 bata sa Virac, Catanduanes ang nagpositibo sa COVID makaraang paglaruan ang mga hazardous waste ng diagnostics laboratory na nakakalat.