Hindi muna manghuhuli ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng mga motoristang lalabag sa ADDA o Anti-Distracted Driving Act na ipinatutupad na ngayong araw.
Paliwanag ni Manila Traffic and Parking Bureau Director Dennis Alcoreza, wala pa sa kanilang hawak na ordinance violation receipt ang ADDA.
Aniya, hindi pa nila natatanggap ang implementing rules and regulations ng nasabing batas kaya’t hindi pa nila alam kung paano ito ipatutupad.
Giit pa ni Alcoreza, kulang sa koordinasyon ang DOTr o Department of Transportation sa LGU’s at maging ang kanilang mga traffic enforcers ay hindi pa nakapag-seminar.
Gayunman, nilinaw ni Alcoreza na maaari namang manghuli ang MMDA, LTO at HPG sa Maynila.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco