Magbibigay palugit ang Philippine National Police (PNP) para sa mga pasaway na lalabag ngayong mga unang araw ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, bagama’t ibinalik lang ang Metro at Mega Manila sa mas mahigpit na quarantine, tila back to square one naman ang kanilang ipinatutupad na polisiya.
Mahigpit din ang paalala ng PNP sa mga tauhan nito na pairalin lagi ang maximum tolerance o mahabang pasensya para sa mga nagrereklamong indibiduwal lalo na kung mga babae o nakatatanda ang kailangang lumabas.
Kasunod nito, muling hiniling ni Gamboa sa publiko na huwag nang subukan ang pasensya ng mga pulis dahil sa halip na paglabag sa quarantine protocols ay disobedience ang reklamong kanilang kahaharapin.
Huwag lang niyong awayin ang mga pulis noh please. Kaya minsan ang pina-file natin hindi na ‘yung quarantine protocols eh ‘yung disobedience na noh. Kasi ang kapulisan naman ay ginagawa lang namin ‘yung trabaho namin. Please don’t provoke us na ifi-file lang kayo ng disobedience. Well disobedience ang unang aksyon nun comes from the person charge of it. ani Gamboa