Uubrang arestuhin ang mga lalabag sa mga panuntunang ikinakasa kaugnay sa pinaiiral na enhanced community quarantine.
Ito ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete ay sa ilalim ng Republic Act 11332.
Tinukoy ni Perete ang mandatory reporting of notifying diseases and health events of public health concern act na nagpaparusa sa hindi pakikipag tulungan sa mga otoridad sa pagtugon sa mga sakit o health events ng concern ng publiko.
Ang parusa ayon sa batas ay isa hanggang anim na buwang pagkakakulong o piyansa na 20 hanggang P50,000 o pareho depende sa hatol ng korte.