Bibigyan lamang ng warning ang mga mahuhuling lumabag sa umiiral na polisiya hinggil sa pag-aangkas sa motorsiklo.
Ito ang tiniyak ni PNP Highway Patrol Group Director Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, ngayong unang araw ng pagpapatupad ng kautusan ng Inter-Agency Task Force kaugnay sa backriding o pag-akas sa motor ng mga magasawa.
Ayon kay Cruz, wala munang titiketan ngayong araw pero bukas, sabado ay magsisimula na aniya silang manghuli.
Dagdag ni Cruz, pipilitin din nila ang lahat ng mga magka-angka na magpakita ng mga dokumento o anumang patunay na sila ay mag-asawa o mag-live in partner.
Kaugnay naman ng usapin sa paglalagay ng motorcylce barrier kahit pa mag-asawa o magkamag-anak ang magka-angkas, sinabi ni Cruz na kanila pa ring susundin kung anuman ang ipalabas na patakaran ng IATF.