Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga makikitang nasa labas na walang suot na facemask.
Ito’y matapos mamataan ang ilang residente ng lungsod na nasa mga pampublikong lugar ngunit walang suot na face mask at maging ang social distancing ay hindi na naoobserba.
Depensa umano ng mga residenteng ito, sila ay nagtetext lamang, katatapos lang manigarilyo o mayroon lamang sinagot na tawag.
Ani Moreno, ipahuhuli niya kung sinuman ang lumalabag sa quarantine protocols.
Pati umano ang chairman ng barangay ay hindi rin makaliligtas kapag ang mga ito ay nagpabaya.
Kasabay nito, binalaan din ng alkalde ang mga magulang na makikitang pakalat-kalat sa labas ang kanilang mga anak.