Isasalang muna sa rapid test ang sinumang nais na lumapit sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa lamang ito sa mga karagdagang proteksyon sa pangulo na ipinatutupad ng Presidential Security Group (PSG).
Ayon kay PSG commander Colonel Jesus Durante, bagamat antibodies lamang ang makikita sa rapid test, maaari na itong gawing basehan kung papapasukin o hindi sa lugar na kinaroroonan ng pangulo ang isang tao.
Sinabi ni Durante na walang exempted sa proseso maging ang mga high-ranking officials, PSG troopers, at maging ang close-in security ng pangulo.