Pinaalalahanan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang mga lalawigan na nakatanggap ng pondo mula sa mahigit P6-B Bayanihan Grant Program.
Ayon kay IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaari lamang gamitin ang pondo para sa mga bagay na konektado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang dito ang pagbili ng mga kagamitan sa mga ospital na pinatatakbo ng probinsya, at iba pang pasilidad o tauhan na sakop ng lalawigan basta’t may kaugnayan sa COVID-19 response.
Pwede rin itong gamitin para sa training ng medical health personnel basta ito ay konektado sa COVID-19 response. So, DILG also says that the DGP can cover expenses for the operation and maintenance of duly established provincial checkpoints related to COVID-19 such as provision of food, medicines, vitamins, PPE’s, and disinfecting supplies for the exclusive use of provincial government employee’s and personnel concern,” ani Nograles.