Nadagdagan pa ang bilang ng mga lalawigang nagpatupad ng temporary ban sa pag-angkat ng baboy sa gitna ng pangamba sa African Swine Flu (ASF).
Kabilang sa mga hakbang laban sa swine flu ang pansamantalang pagbabawal nang pagpasok ng baboy galing sa ibang lalawigan at pagkakasa ng quarantine checkpoint.
Pansamantala ring isinara ang mga lagakan ng baboy sa Guiguinto, Bulacan.
Nagmumula sa Bulacan ang nasa 60% ng baboy na dumarating sa Metro Manila.
Isang task force naman ang binuo sa Cebu para hindi magkahawaan ng sakit ang mga alagang baboy.
Ininspeksyon naman ng Pampanga Provincial Veterinary Office ang mga babuyan sa lalawigan para malaman kung may mga baboy na tinamaan ng ASF.
Samantala, ikinakasa na sa susunod na linggo ang quarantine checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City samantalang inutusan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang veterinary inspection board na magsagawa ng intensified inspections sa lungsod.
Una nang ipinagbawal ng panlalawigang pamahalaan ng Pangasinan ang pagpasok ng mga baboy mula sa ibang lugar sa Luzon.
Ipinagbawal na rin ng Bohol Provincial Government ang pagbiyahe ng baboy kung walang health certificate, meat inspection certificate at shipping permit.