Ipinatatanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang larawan sa mga tanggapan ng pamahalaan, paaralan at iba pang government institution.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya sanay sa mga ganitong istilo kayat gagawa siya ng isang Presidential Decree na sa halip na larawan ang idisplay, larawan ng mga bayani ang ipalit sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno.
Ginawa na niya ito sa Davao City kaya’t dapat ipatupad sa buong bansa.
Kahit anya ang mga larawan ng mga naging Pangulo na naka-display sa Malakanyang ay ipinapaalis din ni Pangulong Duterte dahil ilan sa mga ito ay sangkot sa mga katiwalian at may bahid ang pagkatao kaya’t hindi karapat-dapat ituring na “Honorable.”
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Mga larawan ni Pangulong Duterte sa mga pampublikong tanggapan ipinapatanggal was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882