Binutata ng Malakanyang ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson hinggil sa pagbibigay pahintulot sa mga lokal na pamahalaan na makapag-angkat na ng kanilang sariling COVID-19 vaccine para sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, lahat ng transakyon na gagawin ng mga local government units (LGUs) para makabili ng bakuna ay kailangan paring na sumailalim sa ebalwasyon at pagsusuri ng national government.
Paliwanag ng kalihim, hindi kasi aniya pinahihintulutan ang sinumang opisyal ng pamahalaan na dumerekta sa mga foreign COVID-19 vaccine manufacturers hangga’t hindi dumadaan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno partikular na kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez.
Una nang sinabi ni Roque na tulad ng Pilipinas, mayorya ng mga mahihirap na bansa o developing countries sa Southeast Asia, ay hindi pa rin nakakapag-angkat ng bakuna at tanging ang singapore pa lamang ang nakapagpasimula na ng kanilang pagtuturk ng COVID-19 vaccine. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)