Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa bansa na makiisa sa isasagawang Earth Hour 2018 bukas, Marso 24.
Ayon kay DILG Officer in Charge Eduardo Año, dapat pangunahan ng mga lokal na opsiyal ang pagpapakita ng suporta sa pandaigdigang kampanya para labanan ang climate change.
Iginiit ni Año, malaki ang maitutulong ng simpleng pagpatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras para mabawasan ang mga ibinubugang carbon at epekto ng climate change sa buong mundo.
May temang #Connect2Earth ang Earth Hour 2018 kung saan isasagawa ang main event sa bansa sa Cultural Center of the Philippines bukas, mula alas 8:30 hanggang alas 9:30 ng gabi bukas.
Ang Earth Hour ay inogarnisa ng World Wildlife Fund for Nature bilang global campaign laban sa climate change kung saan sabay-sabay na pinapatay ang mga ilaw sa mga bansang lumalahok dito sa loob ng isang oras.
—-