Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Local Government Units (LGU) sa bansa na magbahay-bahay para sa pagrerehistro ng mga gustong magpabakuna kontra COVID-19.
Ito’y matapos na mapuna ng opisyal na malaki pa ang bilang ng mga Pilipinong natatakot o kaya’y wala pa ring tiwala sa mga bakuna.
Giit ni Robredo, ilan din sa mga problema kaya’t mababa ang bilang ng mga hindi pa gustong magpabakuna ay dahil may iilan pang hindi marunong gumamit ng online registration.
Paliwanag pa ni Robredo na napakahalagang lumapit ng mga LGUs sa kani-kanilang mga nasasakupan lalo na’t lubhang nakakamatay ang COVID-19.
Samantala, inihayag din ni Robredo na siya’y nakikipag-ugnayan sa mga direktor at iba’t-ibang artists para bumuo ng mga video na layong maibsan ang pangamba at pag-aalala ng publiko hinggil sa bakuna.