Nagpahayag ng pasasalamat ang Philippine National Police sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) na nagdeklara ng non-working holiday ngayong araw.
Ito ay kasunod ng deklarasyong ginawa ng Lungsod ng Maynila, Pasay, Navotas at San Juan para bigyang daan ang inagurasyon ngayong araw ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, malaking tulong ang pagdedeklara ng non-working holiday sa mga residente at manggagawa sa Metro Manila na posibleng maapektuhan ng pagsasara ng mga kalsada at rerouting na ipinatupad ng mga otoridad para sa seguridad ng inagurasyon.