Mahigit 100 pa lamang mula sa kabuuang 1,632 mga Local Government Units (LGU’s) sa buong bansa ang nakasunod sa deadline ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Kaugnay ito sa pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 pinansiyal na ayudad para sa mga mahihirap na pamilyang benepisyaryo ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Marketing OIC Irene Dumlao, 10 sa nabanggit na 104 na mga LGU’s ang nakapag-liquidate na ng natanggap nilang pondo ng SAP.
Kabilang aniya sa mga LGU’s na ito ay ang bayan ng Adams sa Ilocos Norte; Pandi at San Miguel sa Bulacan; Casiguran Sorsogon, San Vicente Camarines Norte; Jordan at Buenavista sa Guimaras; EB Magalona sa Negros Occidental; at mga bayan ng Sulop at Taragona sa Davao Del Sur.
Una nang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na mahigit P80-B pondo ng SAP ang kanila nang naibigay sa mahigit 1,500 LGU’s.