Pinaghahanda ni Congresswoman Bernadette Herrera Dy ang gobyerno at local government units (LGU) ng pondo para sa bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Herrera-Dy na dapat ay mayroong mailaang pondo para sa bakuna na kaagad maipapambili sakaling maging available na ang anumang anti COVID-19 vaccine.
Dapat aniyang full subsidize na ng gobyerno ang bakuna lalo na kung magmumula sa mga pampublikong ospital at pasilidad at kung sa pribadong pagamutan naman ay dapat partially covered ng PhilHealth.
Binigyang diin pa ni Herrera-Dy na mahalaga ang bawat oras at anumang delay para tugunan ang problema sa pandemic ay buhay ang kapalit.