Inabisuhan na ng National Task Force ang mga Local Government Unit na maghanda na sa pagdating ng tinatayang 70 million na karagdagang COVID-19 vaccine sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, kung kailangang mag-upgrade ng cold storage facilities ay dapat na itong gawin ngayon ng mga LGU lalo’t pawang sensitibo ang mga paparating na bakuna.
Kailangan anyang ilagay sa napakalamig na temperatura ang mga nasabing vaccine na binili ng gobyerno at private sector mula sa CoVax facility ng World Health Organization.
Kabilang anya sa mga inaasahang darating ang mga highly sensitive vaccines tulad ng Moderna at Pfizer.
Karagdagang 4 milyong doses naman ng bakuna mula sa CoVax ang inaasahang darating ngayong buwan. — sa panulat ni Drew Nacino.