Dapat paghandaan na ng iba’t ibang mga lokal na pamahalaan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad.
Ito’y matapos bigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration (FDA) ang anti-COVID-19 vaccine na Moderna para iturok sa mga batang may edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Senate Committee on Education Chairman Sen. Sherwin Gatchalian, layon nitong mapaghandaan ang face-to-face classes sa ilang lugar na wala o mayruong mababang kaso ng COVID-19.
Matatandaang lumabas sa survey na kinumisyon ni Sen. Gatchalian na nasa 40% ang pabor sa face-to-face classes, 33% ang uncertain at 23% naman ang tutol. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)